Tula Ng Pag-ibig, Pag-asa at Pananampalataya

tula ng pagibig
“Puso Ko At Dalangin”
(Tula ng Pag-Ibig)
Sampung Taon na Akong Nangungulila
Pag-asa sa akin ay tila ba nawawala
Ngunit dumating ka ako baga ay nabigla
Ang Diyos pala sa akin ay may inihanda

Pagibig na ito ay isang pagpapala
Ngunit katapangan tila nawawala
Kapag kaharap ka umuurong aking dila
Masasambit pa kaya? Ito’ng aking wika

Puso kong ito, may laging nais sambitin,
Ito raw pagibig ay akin nang sundin
Ngunit ako ba ay iyong mamahalin?
Ako ba ay handa mo ring tanggapin?

Natatakot ako sa iyong sasabihin
Sana nga ako ay talagang mahal mo rin
Ito lamang aking samo’t dalangin
Sana ang puso ko ay iyong dinggin

tula ng pagasa“Bayan at Pag-asa”
(Tula ng Pag-asa)
Mga kaguluhan sa abang bansa natin
Mga suliranin na kay hirap isipin
Paghihirap ng bayan kaya bang pigilin?
Ano nga ba talaga ang dapat nating gawin?

Sapat na bang gunitain ang nakaraan?
Dito ba ay mayroon tayong natutunan?
Kapayapaan ba’y kailan makakamtan
Ano nga bang tunay na susi sa kaunlaran?

Gayunpaman ang Diyos ay di nagpapabaya
Pagasa sa atin ay di pa nawawala
Balang araw bubunga itong pagtitiyaga
Kaginhawaan ay atin ding mapapala

Pagasa na ito sa atin ay bubuo
Matibay na bayan at malakas na hukbo
Pitong libo isang-daan at pitong pulo
Ay Magkakaisa rin at magkakasundo

tula ng pananampalataya“Sa Gitna ng Pagsubok”
(Tula ng Pananampalataya)
Salamat Panginoon sa araw na ito
Muli mong pinadama ang pagpapala mo
Lahat ng biyaya na tinatangap ko,
Walang Ibang nais kundi ialay sa iyo

Sa Araw na ito ako’y gabayan
Pagsubok nawa ay akin nang malampasan
Pagkakataon sana ay muling pagbigyan
Hiling na kagalingan, akin nang makamtan

Alam ko pong ito’y bahagi ng yong plano
Mangyari nawa ang siyang kagustuhan Mo
Salamat panginoon sa buhay kong ito
Palaging Nadarama ang pagmamahal mo

Mga Pagsubok man sa akin ay dumating
Lahat to Poon ko ay handa kong harapin
Ako po nawa ay inyo pang patatagin
Pananampalataya’y lalo pang paigtingin

Ang mga tulang ito ay ang aking lahok sa Saranggola Blog Awards 2016


6 thoughts on “Tula Ng Pag-ibig, Pag-asa at Pananampalataya

    • March 11, 2022 at 1:13 am
      Permalink

      Hello po may I ask po sino po author ng mga tulang po ‘to? And can I have permission to use this as my reference in my acad writing? Thank you po!

      Reply
    • March 3, 2023 at 9:14 am
      Permalink

      Ang author Po Ng tula na ito puwede Po bang gamitin ko Po ito sa tula Kong gagawin sa school.Thank you Po

      Reply
  • October 2, 2022 at 2:00 am
    Permalink

    Hi. Can I use this as an example for my lesson? It hits hard and hope it could inspire my pupils too (especially the 2nd poem).

    Reply
  • March 3, 2023 at 9:16 am
    Permalink

    Can I use this as a poem for school?,I need it so can I use it ☺️ thank you 💖

    Reply
  • June 9, 2023 at 1:03 pm
    Permalink

    Hi, can I used this poem in my reel content. Thank you po

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *